dzme1530.ph

Mga ibinibentang booklets para sa Catch-up Fridays, walang permiso ng DepEd

Hindi otorisado ng Department of Education (DepEd) ang pagbebenta ng booklets o workbooks para sa Catch-up Fridays.

Sa statement, muling ipinaalala ng DepEd na ang kalahintulad na aktibidad kung na saan kailangang maglabas ng pera ay mahigpit na ipinagbabawal ng kagawaran.

Pinayuhan din ng ahensya ang mga magulang at mag-aaral na huwag tangkilikin ang mga hindi otorisadong transaksyon.

Ginawa ng DepEd ang pahayag makaraang makatanggap ng mga reklamo, na ilang school personnel ang nag-o-obliga sa mga estudyante na bumili ng booklets o workbooks para sa Catch-up Fridays at iba pang mga aktibidad.

Idinagdag ng ahensya na sinimulan na nilang imbestigahan ang isyu, kasabay ng pagtiyak na ang sinumang mapatunayang nagkasala ay mahaharap sa kaparusahan.

About The Author