dzme1530.ph

Mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro, lumobo na sa 150,000 katao

Lumobo na sa mahigit 150,000 katao ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro na kumalat na rin sa ilang kalapit na lugar.

Ayon sa Dept. of Social Welfare and Development, 32,661 pamilya o 151,463 indibidwal ang apektado ng oil spill mula sa 131 Brgy. sa Oriental Mindoro, Palawan, at Antique.

Kaugnay dito, patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD kabilang ang family food packs at Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Nakapaglabas na rin ito ng P116-M para sa cash for work program, at nakinabang na rito ang 18,762 indibidwal.

Ang mga kalahok sa cash for work program ay binabayaran ng sweldo na katumbas ng minimum wage sa MIMAROPA.

About The Author