dzme1530.ph

PAGBALIK SA PANGHAPONG SCHEDULE NG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA, PABOR SA PRIVATE PROSECUTOR

Loading

Pabor si Private Prosecutor Lorna Kapunan na ibalik sa hapon ang schedule ng impeachment trial ni VP Sara Duterte.
 
Ito’y sa harap ng katotohanan na pwedeng i-coach ng mga abogado ang testigo gaya ni Gina Acosta na hostile witness ng prosekusyon.
 
Nilinaw naman nito na hindi niya inaakusahan ang defense lawyers na ginagawa ito, subalit bukas ito sa posibilidad.
 
Sa kanilang panig, nais nilang matapos ang testimonya ng isang witness sa isang upuan lamang para may continuity.
 
Sa sitwasyon ni Gina Acosta, nasa direct examination pa ito ni Atty. Virgil Ligutan, subalit naputol noong Lunes dahil sa kinapos na sa oras.
 
Samantala, hindi naman plano ng prosecution na putulin ang pagharap ng testigo dahil lamang sa mga delays na nangyayari sa trial.
 
Ayon din kay Kapunan, tatapusin nila ang testimonya ng kanilang mga saksi kahit na dalawang araw nang nahinto ang trial dahil sa masamang lagay ng panahon.

About The Author