dzme1530.ph

Cha-Cha, may pag-asang makalusot sa Senado — Sen. Padilla

Kumpiyansa si Senator Robinhood Padilla na makalulusot sa senado ang isinusulong niyang pag-amyenda sa economic provision ng konstitusyon.

Ayon kay Padilla, 14th at 17th Congress pa lamang ay marami nang senador na nagsusulong sa Cha-cha sa pamamagitan pa umano ng Constitutional Convention o Con-con.

Inihalimbawa ni Padilla sina dating Senator Franklin Drilon at Senate President Juan Miguel Zubiri bilang mga senador na naghain ng panukalang Cha-cha noon.

Ani Padilla, hindi nito matatanggap na tututol ang mga senador ngayon gayung hindi pupuwedeng magbago bigla ang pananaw ng mga ito.

Magiging dead-end lang aniya sa Senado ang pagpapa-amyenda sa konstitusyon kung matatanggal ito bilang Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

About The Author