![]()
Dinurog ng Strong Group-Pilipinas ang Japan, sa score na 107-86, para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa 2026 William Jones Cup.
Pinangunahan ni Isaiah Pineiro ang SGA sa kanyang 25 points at 5 rebounds habang nag-ambag sina Tajuan Agee at Remy Martin ng 15 points at 13 points.
Nakapagtala rin sina DJ Ferrer at Ian Miller na may tig-12 points; Matthew Wright, 10 points; at Titing Manalili na may 9 points at 3 assists.
Ayon kay head coach Charles Tiu, ipagpatuloy lang ng mga player ang mahusay na paglalaro bilang team.
Sunod na makakasagupa ng Pilipinas ang Wonju DB Promy ngayong Miyerkules.
