dzme1530.ph

MEDICAL EXPENSES SA MGA TINAMAAN NG LEPTOSPIROSIS, IGINIIT NA GAWING LIBRE

Loading

Iminungkahi ni former Surigao del Norte Representative at ngayon ay adviser at spokesperson ng House Impeachment Team na gawing libre lahat ang medical expenses ng mga tinamaan ng leptospirosis.
 
Hinikayat ni Barbers ang gobyerno, partikular ang DOH, na gumawa ng plano kahalintulad ng Bayanihan Program sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, kung saan sagot ng gobyerno ang lahat ng hospitalization expenses ng mga biktima.
 
Sa ngayon, kailangan umanong tanggapin ng DOH ang katotohanan na maraming biktima ng leptospirosis ay dahil nalubog sa baha bunsod ng sablay na flood control program.
 
Aminado si Barbers na walang kapalit na halaga ang buhay na nasayang dahil sa leptospirosis, subalit ang konting halaga na maipagkakaloob ng pamahalaan sa pagpapagamot man lamang ay katanggap-tanggap na rin.
 
Hinikayat din ni Barbers ang mga LGU at law enforcement agencies na gawing available ang mga sasakyan para i-navigate ang mga stranded commuters dahil sa baha.

About The Author