dzme1530.ph

DENGUE OUTBREAK, IDINEKLARA SA BOHOL

Loading

Idineklara ng Provincial Government ng Bohol ang dengue outbreak sa buong lalawigan kasunod ng pagtaas ng pagkamatay dahil sa sakit.
 
Ipinalabas ni Governor Erico Aristole Aumentado ang deklarasyon nitong Huwebes ng gabi matapos maitala ang 1,883 dengue cases kabilang ang 21 namatay mula January 4 hanggang August 22.
 
Lagpas ito sa dengue epidemic threshold at nakapagtala ng case fatality rate na 1.12 percent.
 
Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naitala sa Talibon, Tagbilaran City, Ubay, Getafe at Tubigon.
 
Nakasaad din sa deklarasyon ang pagpapaigting ng dengue prevention and control measures sa buong lalawigan.

About The Author