![]()
Uunahin ng Department of Education (DepEd) ang pagkuha ng karagdagang security guards sa mas malalaking eskwelahan.
Inamin ni Education Secretary Sonny Angara na wala silang pondo para magkaroon ng guwardiya ang lahat ng mga paaralan sa bansa.
Gayunman, dahil naobserbahan aniya nila na karamihan sa mga insidente ng karahasan ay nangyayari sa malalaking paaralan, na mayroong mahigit 1,000 o 1,500 students, dito nila sisimulan ang pag-hire ng security guards.
Noong Hulyo ay sinabi ng DepEd na hihirit sila sa Kongreso na aprubahan ang paglalaan ng 8 billion pesos para sa pagkuha ng security guards sa mga paaralan sa buong bansa.
Para naman sa mas maliliit na eskwelahan, inihayag ni Angara na plano nilang kunin ang serbisyo ng mga barangay tanod at bumili ng metal detectors.
