![]()
Tumaas pa sa 7.8% ang inflation rate noong October mula sa 7.2% noong September.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito ang pinakamataas na naitala simula noong February 2023, kung kailan umabot sa 8.6% ang inflation rate.
Lubha rin itong mas mataas kumpara sa 1.7% noong October 2025.
Sa datos ng PSA, ang pagtaas ng gastusin sa sektor ng transportasyon ang pangunahing dahilan ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan.
Nakapag-ambag din sa mataas na inflation rate ang mga gastusin sa bahay, partikular na sa tubig, kuryente, gas at iba pang produktong petrolyo.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, bagama’t bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain, ito pa rin ang pangunahing nakapag-ambag sa pangkalahatang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Noong nakaraang buwan, tumaas ang presyo ng bigas, mais, harina, tinapay at mga prutas.
Sinabi pa ni Mapa na ang average inflation rate mula Enero hanggang sa nakaraang buwan ay nasa 5.6%.
Samantala, nasa 6.1% hanggang 6.3% ang 2026 average inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na lubhang mas mataas sa target na 2% hanggang 4%.
