dzme1530.ph

SANDIGANBAYAN, PINAHAHARAP ANG MGA OPISYAL NG BJMP SA KORTE NGAYONG ARAW PARA I-REPORT ANG ESTADO NI DATING SPEAKER ROMUALDEZ SA KULUNGAN

Loading

Inatasan ng Sandiganbayan Third Division ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology na humarap sa korte ngayong araw na ito at i-report ang status ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kulungan.

Ayon kay Sandiganbayan Third Division Clerk of Court Dennis Pulma, ang kautusan ay kasunod ng mga impormasyong pinapayagang lumabas sa New Quezon City Jail ang kongresista na nahaharap sa kasong plunder.

Partikular na pinahahharap sa anti-graft court si Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion at Medical Officer Henry Fabro ng BJMP City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.

Inaasahang magte-testify sila sa korte mamayang 8:30 AM.

Inatasan din ng korte si Pacion na i-preserve at i-secure ang lahat ng CCTV recordings, logs at electronic o digital records.

Una nang sinabi ng BJMP na iniimbestigahan na nila ang mga report ng umano’y paglabas-masok ni Romualdez sa kulungan.

About The Author