dzme1530.ph

PANAWAGAN NG DOTR CHIEF NA IBASURA ANG CAP SA BILANG NG MOTORCYCLE TAXI SA BANSA, SINUPORTAHAN

Loading

Suportado ni 1-Rider Rep. Rodge Gutierrez ang panawagan ni Transportation Sec. Vince Dizon na ibasura ang limitadong cap sa bilang ng motorcycle taxi sa bansa.

Ayon kay Gutierrez, senior vice chairman ng House Transportation Panel, tugma sila ng pananaw ni Dizon kaya isinusulong niya ang passage ng Motorcycle Taxi Law.

Sinabi ni Dizon na ang current caps sa bilang ng motorcycle taxi ay itinakda bago pa ang pandemic, kaya naman sa ngayon ay hindi na ito sapat sa aktuwal na pangangailangan ng commuting public.

Sa pagbabalik ng kalihim sa DOTr, nakikipag-ugnayan na umano ito sa LTFRB para sa review ng kasalukuyang polisiya.

Nagkakaisa sa pananaw sina Gutierrez at Dizon para dagdagan ng pamahalaan ang affordable at accessible transport options, lalo na ngayong libu-libong pamilya ang dito nabubuhay.

About The Author