![]()
Inamin ni Transportation Secretary Vince Dizon na inimbitahan niya si Director Gabriel Go ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maging bahagi ng Department of Transportation (DOTr).
Sa launching ng augmentation program ng DOTr, kasama ni Dizon ang hepe ng MMDA Special Operations Group-Task Force for Road Clearing.
Sinabi ng kalihim na nire-recruit niya si Go sa DOTr at umaasa siyang makakasama nila ito sa ahensya.
Hindi naman binanggit ni Dizon kung pumayag si Go sa kanyang imbitasyon.
Noong Hulyo ay naging viral si Go dahil sa clearing operation kung saan sinermunan niya ang lalaking teacher na walang suot na helmet habang sakay ng motorsiklo.
Sinuspinde ng MMDA si Go kasunod ng mga batikos mula sa ilang indibidwal at grupo.
