Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na idi-diretso ang Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso sa Correctional Institution (CIW) sa Mandaluyong City sa sandaling dumating siya sa Pilipinas bukas.
Dadalhin umano si Mary Jane sa dating selda na inokupa ni Cassandra Li Ong, ang authorized representative ng POGO firm na Lucky South 99 .
Ayon kay Catapang, naghanda ang CIW ng adobong baboy at pastillas, bilang pagbibigay sa kahilingan ni Mary Jane.
Iku-quarantine din siya sa loob ng limang araw at isasailalim sa orientation at security evaluation sa susunod na 55-araw bagong i-detain sa isang regular na selda. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera