![]()
Nagsumite ng manifestation sa Senate Impeachment Court ang prosecution para sa apat (4) na karagdagang pre-trial measures.
Sa pleading o “Manifestation with Proposal on Certain Additional Pre-Trial Matters,” hiniling ng prosekusyon ang mga sumusunod:
Payagan na gamitin ang wikang Pilipino at English sa trial.
I-require ang advance disclosure ng lahat ng testigo.
Payagan ang public at private prosecutors na i-examine ang mga witnesses.
Buksan ang sealed Bureau of Internal Revenue (BIR) records box na nasa pangangalaga ngayon ng Impeachment Court.
Ang filing ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na pre-trial proceedings bago ang pormal na paglilitis sa July 6.
Ayon kay House prosecutor Rep. Leila de Lima ng Mamamayang Liberal (ML) Party-List, mahalaga ang paggamit ng wikang Pilipino para sa klarong pag-unawa ng publiko.
Bagaman at sufficiently disclosed na ng prosecution sa kanilang Pre-Trial Brief ang identities ng kanilang testigo, handa pa rin silang i-accommodate ang request para mabawasan ang posibleng delay sa oras na magsimula ang paglilitis.
Sa ikatlong kahilingan, papayagan ang designated members ng magkabilang kampo na magsagawa ng direct examination, cross-examination, re-direct examination, at iba pang questioning ng public at private prosecutors.
