![]()
Nakatakdang ilabas sa Biyernes, June 26, ang librong “The Veterinary Business Game Theory.”
Layunin nito na tulungan ang mga beterinaryo, clinic owners at mga indibidwal na magtatayo ng vet clinic, pag-manage ng mga empleyado at kliyente, at pagbuo ng mas epektibong sistema sa loob ng clinic.
Hango ang libro sa ilang taong karanasan ng may-akda na si Dr. Geoff Carullo na isang beterinaryo, clinic owner, at matagumpay na entrepreneur.
Sinabi ni Doc Geoff na isinulat niya ang “The Veterinary Business Game Theory” upang tulungan ang mga kapwa beterinaryo, hindi lamang sa aspetong medikal, kundi pati sa negosyo.
