dzme1530.ph

Malacañang, nilinaw na ang pagsisimula ng Ramadan ngayong araw ay hindi Holiday

Nilinaw ng Malacañang na hindi holiday ngayong araw ng Huwebes, Marso a-23, sa kabila ng pagsisimula ng Ramadan para sa mga Muslim.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, tanging ang Abril a-20 o ang pagtatapos ng Ramadan ang ituturing na Holiday.

Mababatid na inanunsyo ng Saudi Arabia ang pagsisimula ng Ramadan ngayong araw.

Ito ang isa sa mga pinaka-sagradong panahon para sa mga Muslim kung saan obligado silang mag-ayuno sa loob ng 30-araw.

About The Author