dzme1530.ph

Masterminds sa Degamo slay, matutukoy na sa mga susunod na araw —Sec. Remulla

Maraming rebelasyon ang mangyayari sa mga susunod na araw kaugnay ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hinihintay na lamang nilang maisapormal ng 9 mula sa 10 suspects ang statements ng mga ito sa naging partisipasyon nila sa pagpatay sa gobernador at sa walong iba pa noong March 4.

Naniniwala si Remulla na sa pamamagitan ng mga ebidensya ay matutukoy na nila ang masterminds sa krimen sa mga susunod na araw.

Samantala, inihayag naman ni Special Task Force Degamo Chairperson, DILG Sec. Benhur Abalos na mula sa 10 nasa ilalim ng kustodiya ng mga otoridad, 9 ang dating military personnel habang isa ang military trainee na hindi natapos ang kurso.

About The Author