dzme1530.ph

MALACAÑANG NAKAPAGTALA NG LIBU-LIBONG BISITA NGAYONG PASKO.

Libu-libo ang bumisita sa Malacañang Compound para sa tradisyunal na siyam na araw ng Simbang Gabi at Pailaw sa Kalayaan.

Sa datos mula sa Presidential Security Group (PSG), kabuuang 2,895 indibidual ang dumalo sa Simbang Gabi noong December 17 hanggang 24.

Idinagdag ng PSG na 14,988 naman ang bumisita sa Pailaw sa Kalayaan noong December 18 hanggang 24.

Ayon pa sa PSG, 3,200 katao ang nagtungo sa kalayaan grounds sa mismong araw ng Pasko.

Binuksan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang Place Grounds sa pamamagitan ng paglulunsad ng Tara Sa Palasyo program ngayong kapaskuhan upang anyayahan ang publiko na dumalo sa Simbang Gabi sa harap ng Mabini Hall at masilayan ang Christmas Tree at mga Parol.

About The Author