dzme1530.ph

PINAKA-MALAMIG NA TEMPERATURA NAITALA SA BAGUIO CITY.

Naitala ang pinaka-malamig temperatura sa Baguio City sa Araw ng Pasko.

Ayon sa PAGASA, bumagsak sa 12.2°c ang temperatura sa Baguio City kahapon ng umaga.

Bukod dito, bumaba rin sa 13.2°c ang lamig ng temperatura sa Basco, Batanes.

Nakapagtala rin ng temperaturang mas mababa sa 20°c ang La Trinidad Benguet, Tuguegarao City, Tanay Rizal, Sinait Ilocos Sur, Casiguran Aurora, Abucay Bataan, Baler, Aurora, at Tayabas, Quezon.

Patuloy ang pag-iral ng Northeast Monsoon o hanging Amihan na nagdadala ng malamig na panahon sa bansa sa harap ng Christmas Season.

About The Author