dzme1530.ph

Lotto bettor sa San Juan City, sinuwerte sa leap day makaraang manalo ng P15-M na jackpot sa Lotto 6/42

Sinuwerte sa Leap Day ang isang mananaya makaraang mapanalunan ang P15 million na jackpot sa Lotto 6/42 draw, kagabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng bettor na bumili ng ticket sa Barangay West Crame, sa San Juan City, ang winning number combination na 05 – 21 – 03 – 33 – 30 at 41.

Samantala, 22 iba pa, ang nanalo naman ng P24,000 bawat isa, makaraang tamaan ang lima mula sa anim na winning digits.

About The Author