![]()
Isinisi ng Malacañang sa political noise dulot ng mga destabilizers, obstructionists at fake news ang mahinang ekonomiya ng bansa.
Ginawa ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang pahayag bilang reaksyon sa paninisi ni Atty. Salvador Panelo Jr., tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, sa administrasyon ang bumabagsak na ekonomiya.
Nagpasaring si Castro na umaasa siyang updated sa balita ang abogado para hindi ito nagmumukhang walang alam.
Binigyang-diin ng opisyal na alam naman ng lahat ang epekto ng krisis sa Middle East bukod pa sa mga kalamidad na pumapasok sa bansa.
Bukod dito, malaking epekto rin aniya sa ekonomiya ang ingay sa politika.
Binanggit pa ni Castro na intensyon ng mga kalaban ng administrasyon ang magsinungaling, gumawa ng fake news, manira ng administrasyon at pababain ang Pangulo sa puwesto upang maapektuhan ang ekonomiya.
