![]()
TINIYAK ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na igagalang at tatanggapin ang anumang magiging ruling ng Korte Suprema sa inihain nilang petisyon kaugnay sa naging ruling ng Impeachment Court kaugnay sa voting threshold.
Ito ay kaugnay sa ruling ng Impeachment Court na hindi na nakapako sa 16 ang kailangang boto para sa conviction kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Go na hindi niya ipinilit noon ang kanyang pananaw sa loob ng Senado dahil natalo sila sa botohan, at tinanggap nila ito.
Ngunit may tamang forum anya para sa usapin, at iyon ay ang Korte Suprema—ang final arbiter sa mga legal na isyu.
Kahapon ay naghain si Go kasama si Senador Robin Padilla at ang PDP ng petisyon sa Korte Suprema upang ipawalang-bisa ang desisyon ng Senate Impeachment Court noong Setyembre 23, 2026.
Iginiit ni Go na kahit pinapayagan sa Senate rules na simple majority lang ang kailangan para mabago ang Senate rules, hindi dapat ito maging paraan para baguhin kung ano ang nasa Constitution.
Mula pa noon, malinaw na anya ang kanyang paninindigan na ayon sa Konstitusyon, walang sinuman ang makoconvict nang walang pagsang-ayon ng 2/3 ng lahat ng miyembro ng Senado.
Hindi rin anya ito usapin ng guilt o innocence ni VP Sara at hindi rin nila hinihiling na ipatigil ang trial sa halip ay dapat tuloy ang paglilitis.
