dzme1530.ph

MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA MGA REGULASYON SA P10 PER LITER DISCOUNT SA DIESEL, MINOMOITOR NG DOE

Loading

Patuloy na mino-monitor ng Department of Energy (DOE) ang implementasyon ng ₱10 discount sa kada litro ng diesel para sa mga kwalipikadong benepisaryo.
 
Tinitiyak din ng DOE ang aktibong pakikiisa ng mga gasolinahan sa programa at ang mahigpit na pagsunod sa mga regulasyong itinakda ng pamahalaan.
 
Sa kasalukuyan, as of May 27, umaabot na sa 1,187 fuel stations nationwide ang operational at handang tumanggap ng fuel subsidy transactions para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
 
Nagsasagawa rin ang DOE ng monitoring at validation sa iba’t ibang panig ng bansa upang mapanatili ang maayos at tamang pagpapatupad ng programa, at masiguro na marami pang PUV drivers at operators ang makinabang sa nasabing subsidy.
 
Nauna nang nagsagawa ang DOE ng inspeksyon sa iba’t ibang gasolinahan sa Metro Manila upang matiyak ang pagsunod ng mga ito sa ipinatutupad na Fuel Subsidy Program (FSP) ng pamahalaan para sa mga eligible Public Utility Vehicles (PUV).
 
Layunin ng programa na makatulong sa mga drivers at operators sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

About The Author