dzme1530.ph

Loading

Nagbabala si Interior Secretary Jonvic Remulla na posibleng mauwi sa madugong komprontasyon kung tatangkain ng mga awtoridad na arestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na subject sa warrant ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Remulla na nagtatago si dela Rosa sa Mindanao at nasa ilalim ng proteksyon ng isang makapangyarihang grupo na may mga armadong tauhan.

Idinagdag ng kalihim na nakikipag-negosasyon sila para sa pagsuko ng senador na aniya ay “hidden in deep.”

Ipinaliwanag ng DILG chief na kung hindi nila ito gagawin ay mas malala pa sa Marawi siege ang posibleng kahihinatnan ng pag-aresto kay dela Rosa.

Tumanggi naman si Remulla na tukuyin ang grupo na umano’y nagkakanlong sa puganteng senador.

About The Author