![]()
Sumampa na sa labing-dalawa ang death toll sa bumagsak na ginagawang building sa Angeles City, Pampanga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon, narekober ang katawan ng ika-labindalawang biktima, kaninang pasado alas-kwatro matapos matagpuan bago mag-alas-onse kagabi.
Simula kahapon ng umaga hanggang kagabi, narekober ng mga awtoridad ang mga labi ng ika-pito hanggang ika-labing-isang biktima ng trahedya na nangyari noong May 24.
Sa kasalukuyan, 27 mula sa 47 na biktima ng gumuhong building ang nasagip habang walo pa ang nananatiling nawawala.
