dzme1530.ph

PILIPINAS, SINITA ANG CHINESE ENVOY SA KOMENTO NITO TUNGKOL SA PAGGAMIT NG PWERSA

Loading

Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Jing Quan na pairalin ang ibayong pagtitimpi sa kanyang public statements.

Kasunod ito ng pahayag ng Chinese envoy na nagpapahiwatig ng tila pagbabanta ng paggamit ng puwersa.

Ipinaalala ng DFA na ang diplomasya ay nangangailangan ng taktika at pagtitimpi para mabigyang-daan ang diskurso, dayalogo, at pakikipag-ugnayan sa gitna ng magkakaibang posisyon at pananaw.

Inihayag ng ahensya na nakalulungkot na hindi maganda ang mga napiling salita ni Jing na tila nagpapakita ng malinaw na banta.

About The Author