![]()
Hindi bababa sa 71 fixers ang dinakip ng Land Transportation Office (LTO) sa kanilang operasyon sa Metro Manila simula noong Oct. 2025.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, pitumpu’t anim din na empleyado ng ahensya ang nahuli rin bunsod ng umano’y pakikipagsabwatan sa mga fixers.
Aniya, mula sa 76 employees, 64 ay rank-and-file personnel habang labindalawa ang nasa high-ranking positions, kabilang ang dalawang office chiefs.
Na-flag din ng LTO ang siyamnapung accounts na nag-aalok ng serbisyo ng fixer.
Noong Hulyo ay nagpatupad ang LTO ng region-wide reassignment ng kanilang district heads sa National Capital Region kasunod ng pagkakaaresto sa tatlo umanong fixers.
