dzme1530.ph

Mahigit 68,000 PDLs, nagparehistro para makaboto sa Halalan 2025

Loading

Mahigit sa 68K persons deprived of liberty (PDLs) ang nagparehistro para makaboto sa 2025 National and Local Elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, 68,448 PDLs ang boboto sa eleksyon sa susunod na taon, kabilang ang 993 na e-eskortan sa labas ng piitan para makaboto sa kani-kanilang presinto.

Inamin ni Ferolino na mas mainam na kakaunti ang e-eskortan palabas dahil medyo mahirap aniya ang pagbiyahe ng inmates.

Sa bahagi naman ni Comelec Chairman George Garcia, tinukoy nito ang ruling ng Supreme Court na pinapayagang bumoto ang PDLs hangga’t hindi pa ibinababa ang pinal na hatol sa nagawa nilang krimen. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author