dzme1530.ph

PAG-ANGAT NG PILIPINAS SA 2025 PISA RESULT, IKINATUWA NI SP GATCHALIAN

Loading

IKINATUWA ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pag-angat ng performance ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), at sinabing patunay ito na unti-unti nang nagbubunga ang mga reporma at learning recovery initiatives ng bansa.
 
Ayon kay Gatchalian, dapat ipagmalaki ng mga Pilipino ang positibong resulta dahil nagpapakita ito na ang sama-samang pagsisikap ng pamahalaan, mga guro, at iba pang sektor ay may epekto sa pagpapabuti ng kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
 
Gayunman, iginiit ng Senate President na hindi pa dapat maging kampante dahil kailangan pang mapanatili ang momentum upang maging pangmatagalan ang pag-angat ng learning outcomes.
 
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa mga learning recovery program, kabilang ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, upang matulungan ang mga estudyanteng naapektuhan ng learning loss.
 
Kasabay ng pagtalakay sa panukalang 2027 national budget, sinabi ni Gatchalian na ipagpapatuloy ng Senado ang pagbibigay-prayoridad sa mga repormang magpapalakas sa edukasyon—mula sa early childhood development hanggang sa teacher education—upang mas marami pang learning gains ang makamit ng Pilipinas sa mga susunod na PISA assessments.

About The Author