dzme1530.ph

PANIBAGONG 60 PESOS NA UMENTO SA SAHOD NG MGA MANGGAGAWA SA METRO MANILA, INAPRUBAHAN NG NCR WAGE BOARD

Loading

Inaprubahan ng National Capital Region (NCR) Wage Board ang panibagong wage order na nagbibigay ng 60 pesos na umento sa sahod ng mga manggagawa, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE)-NCR Regional Director Roy Buenafe.

Sa kabila ito ng inisyung Wage Order No. 27, na nagkaloob ng 85 pesos na wage increase sa Metro Manila subalit kalaunan ay inisyuhan ng Temporary Restraining Order (TRO) ng korte sa Pasig.

Nakabinbin ang petisyon mula sa labor groups at motion for reconsideration na inihain ni Labor Secretary Francis Tolentino kaugnay sa Wage Order No. 27.

Nilinaw naman ni Buenafe na dapat munang mapagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Wage No. 28 bago ito maging epektibo.

Ayon sa labor official, posibleng maging epektibo ang one-time tranche na 60 pesos na wage order sa Sep. 26 o 27 kung maipa-publish nila ito sa Biyernes.

About The Author