dzme1530.ph

3 boy scouts na kalahok sa jamboree sa Zamboanga City, patay matapos makuryente; 12 iba pa, sugatan

Loading

Tatlong boy scouts ang nasawi habang 12 iba pa ang nasugatan makaraang makuryente, sa gitna ng jamboree sa Climaco Freedom Park sa Zamboanga City.

Sa impormasyon mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, inililipat ng boy scouts ang kanilang tent nang aksidente itong madikit sa live wire.

Dead on arrival sa ospital ang tatlong boy scouts na pawang 17-taong gulang habang ginagamot pa ang mga nasugatan.

Dahil sa trahedya ay kinansela na ng lokal na pamahalaan ang apat na araw sanang aktibidad na magtatapos sa Linggo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author