dzme1530.ph

RENOIR PAINTINGS NA NAGKAKAHALAGA NG MILYON-MILYONG EUROS, NINAKAW SA FRENCH MUSEUM

Loading

Dalawang paintings ng Impressionist artist na si Pierre-Auguste Renoir ang ninakaw mula sa isang museum sa France. Pinasok ng dalawang kawatan ang Renoir Museum sa Cagnes-sur-Mer saka tinangay ang apat na paintings subalit nahulog nila ang dalawa sa mga ito sa hardin ng museo habang tumatakas.
 
Ang paintings na nagkakahalaga ng 9 million euros bawat isa, ay ang latest high-profile pieces na ninakaw sa serye ng heists sa Europe kamakailan.
 
Isa sa most high-profile ay nangyari noong Oktubre ng nakaraang taon, kung saan tinangay mula sa Louvre Museum sa Paris ang priceless crown jewels ng France.

About The Author