dzme1530.ph

SAN SIMON INTERCHANGE AT TULAOC SECTION SA NLEX, BUKAS NA SA LAHAT NG MOTORISTA

Loading

Bukas na ang tatlong lanes ng San Simon Interchange at Tulaoc Section ng North Luzon Expressway (NLEX) para sa northbound at southbound motorists.
 
Binuksan muli ang mga kalsada kasunod ng flood mitigation at clearing work ng NLEX Corporation at mga partner mula sa gobyerno at private sector.
 
At dahil bukas na ang lahat ng lanes, sinabi ng NLEX na binawi na nila ang toll rebate para sa mga motoristang bumabagtas sa kahabaan ng San Fernando-Pulilan, epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw.
 
Matatandaang ipinatupad ang rebate, alinsunod sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) sa kasagsagan ng pamemerwisyo ng baha sa NLEX.
 
Mananatili namang epektibo ang temporary toll exemption sa provincial buses.

About The Author