dzme1530.ph

PISO, SUMADSAD SA IKA-DALAWAMPU’T TATLONG RECORD LOW NGAYONG 2026 SA P62.625 PER US DOLLAR

Loading

Bumagsak pa ang halaga ng piso laban sa dolyar matapos makapagtala ng panibagong all-time low, na pang-dalawampu’t tatlong record-low ngayong 2026.
 
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱62.625 per dollar, mas mababa sa ₱62.586 per dollar noong Lunes at sa dating record low na ₱62.59 per dollar noong Biyernes.
 
Iniugnay ni Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort ang paghina ng loca currency sa tumaas na global crude oil prices na patuloy na umiiral sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
 
Naitala ang unang pinakamababang lebel ng piso laban sa dolyar ngayong taon noong Jan. 7, sa ₱59.355 per dollar.

About The Author