dzme1530.ph

Mahigit 150k indibidwal, apektado ng oil spill —DSWD

Pumalo na sa mahigit 150,000 indibidwal ang naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Bureau Director Miramel Laxa, nasa 32,661 na pamilya o katumbas ng 151,463 katao ang apektado ng oil spill.

Mula ito sa 131 barangays sa lalawigan ng Oriental Mindoro, Palawan, at Antique.

Sinabi naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na nakapamahagi na sila ng family food packs sa 7,000 indibidwal sa anim na bayan sa Oriental Mindoro.

Samantala, umabot na sa P116-M ang naibigay ng ahensya sa 18,762 na mangigisda para sa “Cash-For-Work” Program.

About The Author