DZME1530

Isa sa mga suspek sa Degamo slay, sumuko na

Kinumpirma ni Special Task Force Degamo Head, DILG Secretary Benhur Abalos na sumuko ang isa sa iba pang mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa Joint Press Conference, sinabi ni Abalos na nasa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sumukong suspek at itu-turnover ito sa National Bureau of Investigation (NBI).

Idinagdag ng kalihim na mayroong hawak na mahalagang impormasyon sa kaso ang naturang suspek.

Samantala, inihayag naman ni Special Joint Task Force Negros Spokesperson, Major Cenon Pancito III na mula sa 10 suspects na kanilang natukoy sa pamamagitan ng CCTV footage ay anim na ang kanilang na-account, kabilang ang isang nasawi sa manhunt operation.

Sa ngayon aniya ay apat pa ang tinutugis ng mga otoridad.

About The Author