dzme1530.ph

MAGKASABAY NA TRABAHO BILANG LEHISLATURA AT IMPEACHMENT COURT, MALAKING HAMON SA SENADO

Loading

Aminado si Senate President Sherwin Gatchalian na malaking hamon sa mga senador ngayon ang sabay-sabay nilang trabaho bilang mambabatas at senator-judge.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian na kasado na ang kanilang schedule of activities para sa legislative at impeachment works.
 
Bukod sa impeachment proceedings, kailangang tutukan ng Senado ang pagtalakay sa LEDAC priority bills at maging ang 2027 national budget.
 
Kasabay nito, tiniyak ni Gatchalian na tuloy-tuloy ang paghahanda ng Senado para sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

About The Author