dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION PANEL, BIGONG MAPABUKSAN ANG BIR BOX SA PRE TRIAL CONFERENCE SA IMPEACHMENT CASE LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

DISMAYADO ang House Prosecution Panel sa ilang aksyon ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa pagtatapos ng pre-trial conference.
 
Sinabi ni Rep. Gerville Luistro, lead prosecutor, na hindi pumayag ang defense team na buksan sa pre-trial conference ang selyadong kahon na isinumite ng Bureau of Internal Revenue na naglalaman ng tax records ng bise presidente at kanyang asawa.
 
Hiniling ng prosekusyon na mabuksan ang kahon upang masuri na ang nilalaman at maikonsidera nang markahan.
 
Maaari aniyang makita roon ang paliwanag sa kasong may kinalaman sa unexplained wealth ng bise presidente.
 
Maging ang pagmarka sa mismong selyadong kahon ay tinutulan din ng depensa.
 
Nanindigan si Luistro na karapatan ng publiko na malaman ang nilalaman ng selyadong kahon.
 
Una namang sinabi ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team, na ngayong araw nila isusumite ang sagot sa manifestation ng prosekusyon hinggil sa pagpapabukas ng kahon.
 
Kabilang din sa binigyang-diin ni Luistro ang pagtutol ng defense team sa common marking ng parehong ebidensya at ang pagkakasama rin sa listahan ng defense team ng kanilang testigo ang ilang witness ng prosekusyon.

About The Author