![]()
Para kay Manila 6th Dist. Rep. Benny Abante Jr., ang maagang political positioning si Vice President Sara Duterte ay posibleng maging “blessing in disguise” sa mga makakaharap nito.
Aniya, ang maagang announcement at ang apat na impeachment complaints na kinakaharap nito ang maglalagay kay Vice President Sara sa matinding public scrutiny.
Saad pa ni Abante, ang mga botante ngayon ay nagde-demand na ng transparency at accountability.
Sa fourth impeachment complaint na inindorso ni nito at Deputy Speaker Paolo Ortega V, sentro ng alegasyon ang umano’y “unexplained wealth” na posibleng mag backfire sa Vice President.
Sigurado ang kongresista na uusad sa Committee on Justice ang impeachment hearing, at dito mauungkat ang maraming isyu na iniwasan nitong sagutin sa mga nagdaang imbestigasyon.
Dahil dyan buo rin ang kumpiyansa ni Abante na kayang i-muster o kunin ang 1/3rd o 105 votes sa plenary na siyang kailangan para umusad ang pagdinig sa Senado bilang impeachment court.
