dzme1530.ph

Loan program na makatutulong sa ilang sektor ng DOT, inilunsad ng LandBank

Inilunsad ng LandBank of the Philippines ang isang loan program para pondohan ang tourism facilites at services ng local government units, pati na ang tourism enterprises na accredited ng Department of Tourism.

Naglaan ang bangko ng inisyal na P5-B para sa Tourist Infrastructure and Services Mobilization Program.

Ayon sa LandBank, maaring humiram ang mga LGU ng 100% ng total project cost sa ilalim ng programa habang ang Small and Medium Enterprises at mga kooperatiba ay maaring umutang nang hanggang 80% at ang malalaking korporasyon naman ay papayang humiram ng hanggang 75%.

About The Author