dzme1530.ph

Alyssa Valdez, tatayong Team Captain ng PHWV Team sa 32nd SEA Games sa Cambodia

Pangungunahan ni Creamline star Alyssa Valdez ang Philippine Women’s National Volleyball Team na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo.

Kahapon ay inanunsyo ng Philippine National Volleyball Federation ang mga bubuo sa women’s squad kung saan si Valdez ang itinalagang Team Captain.

Makakasama niya ang anim sa kanyang teammates sa Cool Smashers, na kamakailan lamang ay nanalo 2023 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Kinabibilangan ito nina Jia de Guzman, Jema Galanza, Tots Carlos, Ced Domingo, Michelle Gumabao, at Kyla Atienza.

Para kay Valdez, ito ang kanyang pagbabalik-aksyon makaraang hindi makapaglaro sa buong All-Filipino Tournament bunsod ng injury sa tuhod na kanyang tinamo sa reinforced conference noong nakaraang Disyembre.

About The Author