![]()
Humihirit ang kampo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na i-reconsidera ang pagbawi ng PNP sa lisensya at rehistro ng kanyang mga baril.
Ayon kay PNP Civil Security Group Director Police Major Gen. Aden Lagradante, 26 pa lamang mula sa 117 registered firearms ni Dela Rosa ang nai-surrender.
Aniya, patuloy ang kanilang koordinasyon sa legal officer ng senador para sa 91 firearms na hindi pa naisusuko.
Ipinaabot aniya ng kampo ng senador na humihiling sila ng reconsideration sa Firearms and Explosive Office (FEO) ng PNP.
Gayunman, ipinaliwanag ni Lagradante na base sa kanilang rules, dapat ay i-surrender muna ang mga baril.
