dzme1530.ph

KAMARA, NAGHAHANDA NA PARA SA IKA-LIMANG SONA NI PANGULONG MARCOS

Loading

Asahan ang simpleng State of the Nation Address o SONA ni Pang. Bongbong Marcos Jr. sa July 27.
 
Ito ang nabanggit ni House Secretary General Cheloy Garafil sa unang inter-agency coordination meeting sa Batasan Complex kanina para sa ika-limang SONA ni PBBM.
 
Kabilang sa dumalo ay si Senate Secretary Renato Bantug Jr.
 
Sa panig ng Palasyo, present ang ilang opisyal ng PCO, habang may kinatawan din ang PNP, AFP, MMDA at iba pa.
 
Ipinaliwanag ni Garafil na simpleng SONA lamang ang inaasahan dahil taliwas sa nakasanayan o tradisyon, walang ilalatag na “red carpet” at magagarang kasuotan o gown ng mga kababaihan.
 
Katunayan, sa imbitasyon, hinihimok ang mga dadalo sa SONA na magsuot lamang ng simpleng Filipiniana dress sa kababaihan at barong Tagalog sa kalalakihan, mga simpleng kasuotan pero marangal.
 
Tiniyak naman ni Bantug ang buong kooperasyon ng Senado sa okasyon.
 
Sa gitna ng pulong, nagbiro pa si Bantug na hindi niya inakala na magbabalik pa siya sa Kamara sa gitna ng kaguluhang nangyayari sa mga senador.

About The Author