dzme1530.ph

KALANSAY, NAHUKAY SA ISANG CONSTRUCTION SITE SA LOOB NG DEPARTMENT OF JUSTICE

Isinasailalim na sa pagsusuri ng Forensic Team ng National Bureau of Investigation ang nahukay na kalansay sa construction site sa loob ng compound ng Department of Justice sa Padre Faura, Maynila.
Dakong alas-tres ng hapon, kahapon, nang matagpuan ang kalansay habang hinihukay ang pagtatayuan ng apat na palapag na gusali sa likod ng Main Building ng DOJ.
Sinabi ni Justice Undersecretary Brigido Dulay na ipinagutos ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagsusuri upang mabigyan pa ng mas malinaw na impormasyon kung gaano na katanda, gayundin ang pagkakakilanlan ng kalansay.
Idinagdag ni Dulay na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na noong panahon pa ng giyera ang mga buto dahil may katandaan na ang gusali at compound ng ahensya.
Kasama sa nahukay ang isang bungo na may butas sa sentido.

About The Author