![]()
Sa kabila ng pag-ulan, nagtipon-tipon sa labas ng Korte Suprema ang mga miyembro at mga tagasuporta ng PDP-Laban, kaninang umaga.
Isinagawa nila ang indignation rally para ipanawagan ang pagresolba sa mga petisyon kaugnay sa mga kaso nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald Bato dela Rosa.
Una nang naglabas ng open letter ang PDP-Laban na pirmado ng kanilang acting chairman na si Alfonso Cusi, na nananawagan sa Korte Suprema na resolbahin na ang mga legal questions sa kaso nina Duterte at dela Rosa.
Iginiit ng political party sa Korte Suprema na ang patuloy na pagkaantala ng resolusyon sa kanilang mga petisyon ay nagdudulot ng uncertainty at instability.
Tinukoy ng grupo ang petition for habeas corpus na inihain nila para kay Duterte at ang motion for reconsideration kaugnay sa pagtangging pigilan ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court para kay dela Rosa.
