dzme1530.ph

FIL-AM SINGER OLIVIA RODRIGO, IRE-RELEASE ANG KANYANG FIRST CHRISTMAS SONG NA ‘TAKE ME HOME (4 CHRISTMAS)’

Loading

Nakatakdang i-release ni Olivia Rodrigo ang kanyang first-ever Christmas song, na may pamagat na “Take Me Home (4 Christmas).”
 
Sa Instagram, inanunsyo ng Filipino-American Grammy Award-winning singer ang upcoming track, kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga litrato suot ang Christmas-themed outfit.
 
May kasama ring music video ang kanta, tampok sina “Sex and the City” actress Cynthia Nixon at “Saturday Night Live” comedian Ben Marshall.
 
Ire-release ang track sa Huwebes, 5 p.m. Pacific Time o sa Biyernes ng alas nuwebe ng umaga, oras sa Pilipinas.
 
Noong Hunyo ay ni-release ni Olivia ang kanyang ikatlong studio album na “You Seem Pretty Sad for a Girl So in Love.”

About The Author