dzme1530.ph

PILIPINAS, MAG-AANGKAT NG MAS MARAMING DAIRY PRODUCTS SA SUSUNOD NA TAON, AYON SA USDA

Loading

Inaasahang tataas ang aangkating milk products ng bansa sa 2027 bunsod ng lumalaking demand, ayon sa US Department of Agriculture (USDA).

Sa report, sinabi ng USDA Foreign Agricultural Service na nakatakdang mag-import ang Pilipinas ng 185,000 metric tons ng skim-milk powder sa susunod na taon.

Mas mataas ito ng 2% kumpara sa 181,000-metric ton forecast ngayong 2026.

Ang skim-milk powder ay pangunahing ginagamit sa food manufacturing at isa sa most imported dairy products.

About The Author