dzme1530.ph

MAHIGIT 200,000 PISONG HALAGA NG DILAW NA SIBUYAS, NAKUMPISKA NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Mahigit dalawang daang libong pisong halaga ng smuggled na dilaw na sibuyas ang nakumpiska ng Department of Agriculture sa ilang palengke sa Metro Manila.
Tiniyak ni DA Assistant Secretary James Layug na patuloy silang makikipagugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Ayon kay Layug, daang-daang kilo ng smuggled na sibuyas ang kanilang nasamsam sa operasyon noong nakaraang linggo sa Divisoria, Mutya ng Pasig, at Balintawak Market.
Sa report ng DA, nakasamsam ang mga otoridad ng kabuuang isang daan at limang sakong smuggled yellow onions na tumitimbang ng 744 kilos mula sa tatlong nabanggit na mga palengke.

About The Author