DZME1530

PULIS, PATAY MATAPUS MABARIL NG KABARONG PULIS SA SAN PABLO LAGUNA

Iimbestigahan ng PNP ang accidental gun firing incident na nagresulta sa pagkamatay ng isang pulis makaraang aksidenteng tamaan ng bala ng kanyang kabaro na naglilinis ng baril sa San Pablo City, sa Laguna.
Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr na nagbigay na siya ng direktiba sa mga Police Commander na atasan ang kanilang mga tauhan na rebyuhin ang tamang paglilinis at pagkalas ng baril upang maiwasang maulit ang insidente.
Batay sa police report, kinilala ang biktima na si Police Corporal Fhrank Aldene Dela Cruz, trenta anyos, nakatalaga sa San Pablo City at naninirahan sa Barangay Conception sa Laguna.
Ayon sa suspek na si Police Corporal George Mervin Duran, nililinis nila ang kanilang service firearms para sa inspection ng may isang lumapit sa kanya at nagpalitan sila ng baril.
Ibinalik ng suspek ang kanyang baril at ineksamin ngunit nang alisin na nito ang bala mula sa chamber ay aksidenteng pumutok at tinamaan sa kanang dibdib si Dela Cruz.
Agad dinala si Dela Cruz sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival.

About The Author