![]()
Plano ni Finance Secretary Frederick Go na paghusayin pa ang Personal Equity and Retirement Account (PERA).
Sinabi ni Go na layunin ng hakbang na hikayatin ang mas maraming Pilipino na mag-ipon para sa retirement, palawakin ang partisipasyon sa long-term investments, at palalimin ang Philippine capital market.
Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 9505, ang PERA ay voluntary retirement savings program kung saan pinapayagan ang eligible individuals na mag-invest sa aprubadong financial products habang tumatanggap ng incentives, subject sa applicable rules.
Dinisenyo ito para madagdagan ang retirement benefits mula sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), at iba pang mga programa.
Sa kasalukuyan, ang regular contributors ay maaaring maghulog ng hanggang ₱200,000 kada taon, habang ang Overseas Filipino Workers ay pinapayagan hanggang ₱400,000 per year.
